Linggo, Pebrero 24, 2013

A Diehard Fan (part of my teens)





                      Bahagi ng aking kabataan ang pagiging mahilig sa local showbiz, nung una ay kuntento na ako sa panonood sa telebisyon ng mga paborito kong tv show, ngunit dumating ang panahon na nagkaroon na ako ng idolo at naging isang tagahanga, hindi lamang isang ordinaryong tagahanga but take note, a diehard fan.


                      Mid 70's nang magsulputan ang mga bagong iidolohin ng kabataan, katatapos lng ng era ng GUY/PIP at VILMA/EDGAR, eto na ang APAT NA SIKAT (Dondon Nakar, Winnie Santos, Maribel Aunor at Arnold Gamboa), sila ang mga bagong idolo, di ko pinapalagpas na panoorin sa telebisyon ang kanilang show ganun din ang BIG IKES HAPPENING...dumating ang araw na sinubukan kong manood ng live sa studio, kasama ko ang aking kaibigan na si Gene Vallena, umaga pa lang ay nakapila na kami sa audience entrance ng Big Ike's Happening, isang sikat na tv show noon sa Channel 9, sa Bohol Avenue (now +Abs Cbn ),dun ko nakilala ang iba pang tagahanga at naging kaibigan para makapasok ng madali sa studio, tuwang tuwa ako ng makita ko ng personal ang aking idol...sino ba ang aking idol?                                                              

From left: +dondon nakar , Winnie Santos (Ate Vi's youngest sister), Lala  Aunor (Nora Aunor's cousin) and Arnold Gamboa

                       My one and only idol +Winnie Santos, Vilma Santos' youngest sister and one of the APAT NA SIKAT...first time ko syang makita at makilala ng personal ay lalo akong humanga sa kagandahan at kabaitan nya, akala ko ko hanggang sa tv ko na lng sya makikita, pero ang lahat ay nangyari at yun ang naging simula, from a silent fan, now a die hard Winnienians...Naging regular na akong nanood ng live show every Sunday (Big Ikes Happening, mainstay si Winnie sa show) at every Friday naman ay nasa studio naman ako Channel 13 sa San Juan para sa live show naman ng APAT NA SIKAT. Marami akong naging masasayang sandali bilang isang tagahanga, naging very close ako sa idol ko, halos lage na kami magkakasama, minsan ay sa kanila ako kumakain at may araw naman na nakakatulog din sa bahay nila sa Magallanes Village sa Makati.

the only picture na nasurvive ko w/ my idol Winnie Santos, hinukay sa baul, hehe

                     Bilang isang fan, naranasan ko ding umakyat ng bakod sa studio sa Bohol Ave, para lang unang makapasok sa loob ng studio at makapagreserve ng seats para sa Fans Club member, makipaghabulan at makipagaway sa gwardya ng Channel 9, pero ang hindi ko nagawa ay makipagaway sa kalabang fans club, ayaw kasi ni Weng na nakikipagaway kami, kaya pag may gulo ang Arnoldians at Maribelians sa loob ng studio ay quiet lng kami..Halos nasa kasikatan na si Winnie Santos ng mga panahon na iyon nang siya ay magasawa sa kapwa youngstar na si Victor "Bong" Morales, naging close din ako kay Bong bago sila naging magasawa, dahil sa kami ang  nagtayo ng fans club nilang dalawa. Marami akong masasayang sandali sa piling ng aking idol at hinding hindi ko makakalimutan na minsan ako ay naging isang DIEHARD fan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento