Sabado, Pebrero 23, 2013

My Childhood

             


                            Ipinanganak at lumaki ako sa bayan ng Marikina, dati nasasakop ng Rizal province, but during the Martial Law ay nabuo ang Metro Manila at nasakop ang Marikina, ngayon ay isa ng ganap na siyudad. Ang aming tahanan kung saan ako ipinanganak ay nasa Barangka, malapit lamang sa boundary ng Katipunan, QC at halos nasa likuran lamang ng aming bahay ang pangpublikong libingan ng Marikina, at sa gawing itaas ay ang Ateneo de Manila University.


w/ my sister Edna Mejia during our childhood days
w/ my sisters, from left: Ester, Elena (+), Edna and me
                             Lumaki ako sa simpleng pamumuhay kasama ng aking mga kapatid na babae, Edna, Ester At Elena, ang aking tatay ay isang company driver sa UTEX, isang kilalang textile mills nung mga panahon yon at ang aking nanay naman ay isang magaareglo at minsan ay mananahi ng damit, katunayan ay sa pampublikong paaralan lamang ako nagaral ng elementary, sa Barangka Elementary School, di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ay may angking talino naman ako kaya consistent honor student ako at active sa anumang extra curricular activities. Masaya ang childhood ko katulad sa karaniwang mga bata, laro, tulog, kain at pasok sa eskwela,, ngunit natatandaan ko pa na pag dumarating ang bakasyon ay nagtitinda kami ng mga meryenda sa harap ng aming bahay, katulad ng mga ginatan, goto, pansit at iba pa. marami din akong kaibigan pero minsan ay mas gusto kong maglarong magisa sa bahay kasama ng aking mga manika, hahaha....to make the story short, now you now my sexual preference...
ang aking nanay at tatay

                             Marami masasayang alaala ang aking kabataan, lage kami naglalaro sa loob ng sementeryo, minsan nagpipicnic at gumagawa ng bahaybahayan, kakaiba diba, sementeryo ang playground, hahaha...marami din kami laro noon kagaya ng tumbang preso, taguan, patintero, agawang base, luksong tinik at lahat na yata ng larong pambata ay nalaro na namin, wla pa kasi computer noong mga panahon na yon. Saan na kaya ang aking mga kalaro noon? May mga panahon na umaakyat sa puno ng sampalok at magyugyog ng salagubang at pagnakaipon ng marami ay gagawing adobo, sarap!!!! exotic food.....Hay naku sarap magbalik sa nakaraan, mananatili na lang sa alaala...pwede kya ibalik ang nakaraan? kung saan wla ka iniisip na problema at puro laro lang? sabi nga ng pamagat ng isang pelikula Sana Bukas Pa Ang Kahapon.... maligayang araw sa inyong lahat, hanggang sa susunod.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento